Pag nag punta ako sa susunod na meet up, may papansin pa kaya sakin? 😐
Hindi mo alam na sa bawat pagtaboy na ginagawa mo sa kanya, may isang taong humihiling na, “SANA AKIN NA LANG SYA”…
Last Saturday, I got the chance to open this tumblr account of mine and backread almost all of my posts here. And I was like…. Wow.. Nakakamiss naman. It’s been 4 years since nung nag umpisa ako at naging active.. Nagkaroon ng followers at malapit na kaibigan. Napaisip ako bigla, kilala pa kaya nila ako? O kasabay ng pagiging inactive ko ay ang paglimot na rin nila sa akin, at sa pinagsamahan namin. Makalipas ang tatlong taon, napakarami ng nagdaan at nagbago. Pero kapag naaalala ko lahat ng nangyari noon, mga posts nila para sakin, posts ko para sa kanila, napapangiti ako. Ang saya lang alalahanin. Mga panahong nakaka attend pa ako ng meet ups, ang makilala ang mga bagong kaibigan, kumain sa labas, at higit sa lahat, mag picture ng walang hanggan sabay pag uwi ng bahay post agad. Haha. Mga panahong masarap sa pakiramdam na malamang nakaka inspire ka ng ibang tao sa pamamagitan ng simpleng pagbabahagi ng saloobin at pananaw mo sa buhay.. Just missed everything.. :) Sa mga makakabasa nito, gusto ko lang malaman nyo na lahat ng memories ko bilang isang tumblrista, kasama kayo, andito lagi sa puso ko. :)
Kung hndi na kayang ibalik sa dati ang lahat, edi magsimula ng bago. Yung bago na kung saan mas higit pa kaysa noon.
Bago ka gumawa ng bagay na makakasakit sa taong mahal mo, isipin mo muna kung anong pakiramdam kapag siya naman ang gumawa ng mga bagay na yun sayo.